Isaias 55

Bakit ninyo ginugugol ang inyong mga salapi sa mga bagay na hindi makakain? Bakit nʼyo inuubos ang inyong suweldo sa mga bagay na hindi makakapagpabusog sa inyo? Makinig kayo sa akin at makakakain kayo ng mga masasarap na pagkain, at talagang mabubusog kayo.

Isaiah 55:2 (UKJV) Wherefore do all of you spend money for that which is not bread? and your labour for that which satisfies not? hearken diligently unto me, and eat all of you that which is good, and let your soul delight itself in fatness.

1“Lumapit kayo, kayong lahat na nauuhaw, lumapit kayo sa tubig! Kahit wala kayong pera, lumapit kayo at kumain! Halikayo, kumuha kayo ng inumin at gatas ng walang bayad!

2Bakit ninyo ginugugol ang inyong mga salapi sa mga bagay na hindi makakain? Bakit nʼyo inuubos ang inyong suweldo sa mga bagay na hindi makakapagpabusog sa inyo? Makinig kayo sa akin at makakakain kayo ng mga masasarap na pagkain, at talagang mabubusog kayo.

3Lumapit kayo sa akin at kayoʼy makinig upang inyong matagpuan ang buhay. Gagawa ako ng walang hanggang kasunduan sa inyo. Ipapadama ko sa inyo ang pag-ibig koʼt awa na aking ipinangako kay David.

4Gagamitin ko siya upang ipakita ang aking kapangyarihan sa mga bansa. Gagawin ko siyang pinuno nila.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.