Isaias 55

Kung paanong ang ulan at nyebe ay nagmumula sa itaas, at hindi bumabalik doon hanggaʼt hindi muna nakapagbibigay ng tubig sa lupa at nakapagpapalago ng mga halaman upang makapagbigay ng binhi at pagkain sa nagtatanim at sa mga tao.

Isaiah 55:10 (UKJV) For as the rain comes down, and the snow from heaven, and returns not thither, but waters the earth, and makes it bring forth and bud, that it may give seed to the sower, and bread to the eater:

8Sinabi ng Panginoon, “Ang aking kaisipan ay hindi katulad ng inyong kaisipan, at aking kapamaraanan ay hindi katulad ng inyong kapamaraanan, pahayag ng Panginoon.”

9“Kung gaano kalayo ang langit sa lupa, ganoon din kalayo ang aking pamamaraan at pag-iisip kaysa sa inyo.

10Kung paanong ang ulan at nyebe ay nagmumula sa itaas, at hindi bumabalik doon hanggaʼt hindi muna nakapagbibigay ng tubig sa lupa at nakapagpapalago ng mga halaman upang makapagbigay ng binhi at pagkain sa nagtatanim at sa mga tao.

11Ganyan din ang aking mga salita, hindi ito mawawalan ng kabuluhan. Isasakatuparan nito ang aking ninanais, at isasagawa ang aking layunin kung bakit ko ito ipinadala.

12Kayo ay hahayo nang masaya mula sa Babilonia at mapayapang papatnubayan ng Diyos. Ang mga bundok at mga burol ay parang mga taong aawit sa tuwa. At ang lahat ng mga puno ay parang mga taong magpapalakpakan.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.