Isaias 55

Tatawagin ninyo ang mga bansang hindi ninyo kasama, at magmamadali silang lalapit sa inyo, dahil ako, ang Panginoon na inyong Diyos, ang Banal na Diyos ng Israel, ang nagbigay sa inyo ng karangalan.”

Isaiah 55:5 (UKJV) Behold, you shall call a nation that you know not, and nations that knew not you shall run unto you because of the LORD your God, and for the Holy One of Israel; for he has glorified you.

3Lumapit kayo sa akin at kayoʼy makinig upang inyong matagpuan ang buhay. Gagawa ako ng walang hanggang kasunduan sa inyo. Ipapadama ko sa inyo ang pag-ibig koʼt awa na aking ipinangako kay David.

4Gagamitin ko siya upang ipakita ang aking kapangyarihan sa mga bansa. Gagawin ko siyang pinuno nila.

5Tatawagin ninyo ang mga bansang hindi ninyo kasama, at magmamadali silang lalapit sa inyo, dahil ako, ang Panginoon na inyong Diyos, ang Banal na Diyos ng Israel, ang nagbigay sa inyo ng karangalan.”

6Lumapit na kayo sa Panginoon at tumawag sa kanya habang naririyan pa siya para tulungan kayo.

7Talikuran na ng mga taong masama ang masasama nilang ugali at baguhin na ang masasama nilang pag-iisip. Magbalik-loob na sila sa Panginoon na ating Diyos, dahil kaaawaan at patatawarin niya sila.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.