9At kung dumulog kayo sa Panginoon para humingi ng tulong, siya ay sasagot at sasabihing: Ako ay nandito. “Kung titigilan na ninyo ang pang-aapi, ang pambibintang ng kasinungalingan, ang pagsasalita ng masama,
10at kung pinapakain ninyo ang mga nagugutom, at pinupunan ang pangangailangan ng mga dukha, ang inyong liwanag ay magniningning sa kadiliman, at ang inyong kadiliman ay magiging kasing liwanag ng tanghaling-tapat.
11Palagi kayong papatnubayan ng Panginoon kayo ay bubusugin, kahit na mahirap ang kalagayan ninyo. Palalakasin niya kayo, at kayoʼy magiging parang halamanang sagana sa tubig at parang bukal na hindi nawawalan ng tubig.
12Muling itatayo ng inyong mga lahi ang mga lungsod ninyong matagal nang wasak at aayusin nila ang dating mga pundasyon. Makikilala kayo na mga mason ng kanilang mga nagibang pader at mga bahay.
13“Alalahanin ninyo ang Araw ng Pamamahinga. Huwag ninyong iisipin ang pansarili ninyong kapakanan sa natatanging araw na iyon. Ipagdiwang ninyo ang Araw ng Pamamahinga, at parangalan ninyo ang araw ng Panginoon sa pamamagitan ng pagpipigil sa mga sarili ninyong kagustuhan at kaligayahan, at pagtigil sa pagsasalita nang walang kabuluhan.