8Kapag ginawa nʼyo ito, darating sa inyo ang kaligtasan na parang bukang-liwayway, at pagagalingin ko kayo agad. Ako na inyong Panginoong matuwid ang mangunguna sa inyo at ipagtatanggol ko kayo sa pamamagitan ng aking kapangyarihan.
9At kung dumulog kayo sa Panginoon para humingi ng tulong, siya ay sasagot at sasabihing: Ako ay nandito. “Kung titigilan na ninyo ang pang-aapi, ang pambibintang ng kasinungalingan, ang pagsasalita ng masama,
10at kung pinapakain ninyo ang mga nagugutom, at pinupunan ang pangangailangan ng mga dukha, ang inyong liwanag ay magniningning sa kadiliman, at ang inyong kadiliman ay magiging kasing liwanag ng tanghaling-tapat.
11Palagi kayong papatnubayan ng Panginoon kayo ay bubusugin, kahit na mahirap ang kalagayan ninyo. Palalakasin niya kayo, at kayoʼy magiging parang halamanang sagana sa tubig at parang bukal na hindi nawawalan ng tubig.
12Muling itatayo ng inyong mga lahi ang mga lungsod ninyong matagal nang wasak at aayusin nila ang dating mga pundasyon. Makikilala kayo na mga mason ng kanilang mga nagibang pader at mga bahay.