1Makinig kayo! Ang Panginoon ay hindi mahina para hindi makapagligtas. Hindi rin siya bingi para hindi makarinig kapag tumawag kayo sa kanya.
2Ngunit ang inyong mga kasalanan ang siyang naglayo sa inyo sa Diyos at iyon ang dahilan kung bakit niya kayo tinalikuran at hindi na siya makikinig sa inyong mga dalangin.
3Pumapatay kayo ng tao, at gumagawa pa ng ibang mga kasalanan. Nagsisinungaling kayo at nagsasalita ng masama.
4Wala sa isip ninyo ang katarungan; ang mga bintang ninyo sa inyong kapwa ay puro mga kasinungalingan. Ang inyong iniisip ay masama, at iyon ay inyong ginagawa.