2Ngunit ang inyong mga kasalanan ang siyang naglayo sa inyo sa Diyos at iyon ang dahilan kung bakit niya kayo tinalikuran at hindi na siya makikinig sa inyong mga dalangin.
3Pumapatay kayo ng tao, at gumagawa pa ng ibang mga kasalanan. Nagsisinungaling kayo at nagsasalita ng masama.
4Wala sa isip ninyo ang katarungan; ang mga bintang ninyo sa inyong kapwa ay puro mga kasinungalingan. Ang inyong iniisip ay masama, at iyon ay inyong ginagawa.
5Ang masasamang plano nʼyo ay parang itlog ng makamandag na ahas; o kayaʼy bahay ng gagamba na ang sinumang kumain nito ay mamamatay.
6Katulad din ito ng bahay ng gagamba na hindi maaaring gawing damit kaya walang kabuluhan ang inyong masasamang plano. Masama ang ginagawa nʼyo at namiminsala kayo.