Isaias 59

Katulad din ito ng bahay ng gagamba na hindi maaaring gawing damit kaya walang kabuluhan ang inyong masasamang plano. Masama ang ginagawa nʼyo at namiminsala kayo.

Isaiah 59:6 (UKJV) Their webs shall not become garments, neither shall they cover themselves with their works: their works are works of iniquity, and the act of violence is in their hands.

4Wala sa isip ninyo ang katarungan; ang mga bintang ninyo sa inyong kapwa ay puro mga kasinungalingan. Ang inyong iniisip ay masama, at iyon ay inyong ginagawa.

5Ang masasamang plano nʼyo ay parang itlog ng makamandag na ahas; o kayaʼy bahay ng gagamba na ang sinumang kumain nito ay mamamatay.

6Katulad din ito ng bahay ng gagamba na hindi maaaring gawing damit kaya walang kabuluhan ang inyong masasamang plano. Masama ang ginagawa nʼyo at namiminsala kayo.

7Nagmamadali kayong gumawa ng masamá at mabilis ang kamay ninyong pumatay ng walang kasalanan. Palaging masamá ang iniisip ninyo, at kahit saan kayo pumunta ay wala kayong ginawa kundi kapahamakan at karahasan.

8Wala kayong alam tungkol sa mapayapang pamumuhay. Binabalewala ninyo ang katarungan at binabaluktot pa ninyo ito. Ang sinumang sumunod sa inyong mga ginagawa ay hindi rin makakaranas ng mapayapang pamumuhay.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.