Isaias 59

Wala kayong alam tungkol sa mapayapang pamumuhay. Binabalewala ninyo ang katarungan at binabaluktot pa ninyo ito. Ang sinumang sumunod sa inyong mga ginagawa ay hindi rin makakaranas ng mapayapang pamumuhay.

Isaiah 59:8 (UKJV) The way of peace they know not; and there is no judgment in their activities: they have made them crooked paths: whosoever goes therein shall not know peace.

6Katulad din ito ng bahay ng gagamba na hindi maaaring gawing damit kaya walang kabuluhan ang inyong masasamang plano. Masama ang ginagawa nʼyo at namiminsala kayo.

7Nagmamadali kayong gumawa ng masamá at mabilis ang kamay ninyong pumatay ng walang kasalanan. Palaging masamá ang iniisip ninyo, at kahit saan kayo pumunta ay wala kayong ginawa kundi kapahamakan at karahasan.

8Wala kayong alam tungkol sa mapayapang pamumuhay. Binabalewala ninyo ang katarungan at binabaluktot pa ninyo ito. Ang sinumang sumunod sa inyong mga ginagawa ay hindi rin makakaranas ng mapayapang pamumuhay.

9Kaya nga hindi pa pinarurusahan ng Diyos ang ating mga kaaway, at hindi pa natin natatamo ang tagumpay at katuwiran. Naghintay tayo ng liwanag ngunit dilim ang dumating, kaya lumalakad tayo sa kadiliman.

10Nangangapa tayo na parang bulag. Natitisod tayo kahit katanghaliang tapat, na parang lumalakad sa dilim. Tayoʼy parang mga patay kung ihahambing sa mga taong malakas.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.