Isaias 59

Kaya nga hindi pa pinarurusahan ng Diyos ang ating mga kaaway, at hindi pa natin natatamo ang tagumpay at katuwiran. Naghintay tayo ng liwanag ngunit dilim ang dumating, kaya lumalakad tayo sa kadiliman.

Isaiah 59:9 (UKJV) Therefore is judgment far from us, neither does justice overtake us: we wait for light, but behold obscurity; for brightness, but we walk in darkness.

7Nagmamadali kayong gumawa ng masamá at mabilis ang kamay ninyong pumatay ng walang kasalanan. Palaging masamá ang iniisip ninyo, at kahit saan kayo pumunta ay wala kayong ginawa kundi kapahamakan at karahasan.

8Wala kayong alam tungkol sa mapayapang pamumuhay. Binabalewala ninyo ang katarungan at binabaluktot pa ninyo ito. Ang sinumang sumunod sa inyong mga ginagawa ay hindi rin makakaranas ng mapayapang pamumuhay.

9Kaya nga hindi pa pinarurusahan ng Diyos ang ating mga kaaway, at hindi pa natin natatamo ang tagumpay at katuwiran. Naghintay tayo ng liwanag ngunit dilim ang dumating, kaya lumalakad tayo sa kadiliman.

10Nangangapa tayo na parang bulag. Natitisod tayo kahit katanghaliang tapat, na parang lumalakad sa dilim. Tayoʼy parang mga patay kung ihahambing sa mga taong malakas.

11Umuungal tayo sa hirap na parang oso at dumadaing na parang mga kalapati. Hinihintay nating parusahan na ng Diyos ang ating mga kaaway at tayoʼy iligtas, ngunit hindi pa rin nangyayari.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.