Isaias 59

Umuungal tayo sa hirap na parang oso at dumadaing na parang mga kalapati. Hinihintay nating parusahan na ng Diyos ang ating mga kaaway at tayoʼy iligtas, ngunit hindi pa rin nangyayari.

Isaiah 59:11 (UKJV) We roar all like bears, and mourn sore like doves: we look for judgment, but there is none; for salvation, but it is far off from us.

9Kaya nga hindi pa pinarurusahan ng Diyos ang ating mga kaaway, at hindi pa natin natatamo ang tagumpay at katuwiran. Naghintay tayo ng liwanag ngunit dilim ang dumating, kaya lumalakad tayo sa kadiliman.

10Nangangapa tayo na parang bulag. Natitisod tayo kahit katanghaliang tapat, na parang lumalakad sa dilim. Tayoʼy parang mga patay kung ihahambing sa mga taong malakas.

11Umuungal tayo sa hirap na parang oso at dumadaing na parang mga kalapati. Hinihintay nating parusahan na ng Diyos ang ating mga kaaway at tayoʼy iligtas, ngunit hindi pa rin nangyayari.

12Sapagkat napakarami na ng ating mga kasalanan sa Diyos at iyan ang nagpapatunay na dapat tayong parusahan. At talaga namang alam natin na gumagawa tayo ng masama.

13Nagrebelde tayo at nagtaksil sa Panginoon. Itinakwil natin ang ating Diyos. Inaapi natin at sinisiil ang ating kapwa. Pinag-iisipan natin nang mabuti kung paano magsalita ng kasinungalingan.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.