10Nangangapa tayo na parang bulag. Natitisod tayo kahit katanghaliang tapat, na parang lumalakad sa dilim. Tayoʼy parang mga patay kung ihahambing sa mga taong malakas.
11Umuungal tayo sa hirap na parang oso at dumadaing na parang mga kalapati. Hinihintay nating parusahan na ng Diyos ang ating mga kaaway at tayoʼy iligtas, ngunit hindi pa rin nangyayari.
12Sapagkat napakarami na ng ating mga kasalanan sa Diyos at iyan ang nagpapatunay na dapat tayong parusahan. At talaga namang alam natin na gumagawa tayo ng masama.
13Nagrebelde tayo at nagtaksil sa Panginoon. Itinakwil natin ang ating Diyos. Inaapi natin at sinisiil ang ating kapwa. Pinag-iisipan natin nang mabuti kung paano magsalita ng kasinungalingan.
14Iyan ang dahilan kung bakit hindi pa pinarurusahan ng Diyos ang ating mga kaaway at hindi pa niya tayo binibigyan ng tagumpay na may katuwiran. Sapagkat hindi na matagpuan ang katotohanan kahit saan, at ang mga tao ay hindi na mapagkakatiwalaan.