Isaias 59

Iyan ang dahilan kung bakit hindi pa pinarurusahan ng Diyos ang ating mga kaaway at hindi pa niya tayo binibigyan ng tagumpay na may katuwiran. Sapagkat hindi na matagpuan ang katotohanan kahit saan, at ang mga tao ay hindi na mapagkakatiwalaan.

Isaiah 59:14 (UKJV) And judgment is turned away backward, and justice stands far off: for truth is fallen in the street, and equity cannot enter.

12Sapagkat napakarami na ng ating mga kasalanan sa Diyos at iyan ang nagpapatunay na dapat tayong parusahan. At talaga namang alam natin na gumagawa tayo ng masama.

13Nagrebelde tayo at nagtaksil sa Panginoon. Itinakwil natin ang ating Diyos. Inaapi natin at sinisiil ang ating kapwa. Pinag-iisipan natin nang mabuti kung paano magsalita ng kasinungalingan.

14Iyan ang dahilan kung bakit hindi pa pinarurusahan ng Diyos ang ating mga kaaway at hindi pa niya tayo binibigyan ng tagumpay na may katuwiran. Sapagkat hindi na matagpuan ang katotohanan kahit saan, at ang mga tao ay hindi na mapagkakatiwalaan.

15Oo, nawala na ang katotohanan, at ang mga umiiwas sa kasamaan ay inuusig. Nakita ito ng Panginoon at nalulungkot siya dahil sa kawalan ng katarungan.

16Nagtataka siya sa kanyang nakita na wala kahit isa man na tumutulong sa mga inaapi. Kung kaya, gagamitin niya ang kanyang kapangyarihan sa pagliligtas sa kanila. At dahil matuwid siya, tutulungan niya sila.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.