Isaias 59

Oo, nawala na ang katotohanan, at ang mga umiiwas sa kasamaan ay inuusig. Nakita ito ng Panginoon at nalulungkot siya dahil sa kawalan ng katarungan.

Isaiah 59:15 (UKJV) Yea, truth fails; and he that departs from evil makes himself a prey: and the LORD saw it, and it displeased him that there was no judgment.

13Nagrebelde tayo at nagtaksil sa Panginoon. Itinakwil natin ang ating Diyos. Inaapi natin at sinisiil ang ating kapwa. Pinag-iisipan natin nang mabuti kung paano magsalita ng kasinungalingan.

14Iyan ang dahilan kung bakit hindi pa pinarurusahan ng Diyos ang ating mga kaaway at hindi pa niya tayo binibigyan ng tagumpay na may katuwiran. Sapagkat hindi na matagpuan ang katotohanan kahit saan, at ang mga tao ay hindi na mapagkakatiwalaan.

15Oo, nawala na ang katotohanan, at ang mga umiiwas sa kasamaan ay inuusig. Nakita ito ng Panginoon at nalulungkot siya dahil sa kawalan ng katarungan.

16Nagtataka siya sa kanyang nakita na wala kahit isa man na tumutulong sa mga inaapi. Kung kaya, gagamitin niya ang kanyang kapangyarihan sa pagliligtas sa kanila. At dahil matuwid siya, tutulungan niya sila.

17Gagamitin niyang panangga sa dibdib ang katuwiran, at helmet ang kaligtasan. Isusuot niya na parang damit ang paghihiganti at ang matindi niyang galit.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.