Isaias 59

Nagrebelde tayo at nagtaksil sa Panginoon. Itinakwil natin ang ating Diyos. Inaapi natin at sinisiil ang ating kapwa. Pinag-iisipan natin nang mabuti kung paano magsalita ng kasinungalingan.

Isaiah 59:13 (UKJV) In transgressing and lying against the LORD, and departing away from our God, speaking oppression and revolt, conceiving and uttering from the heart words of falsehood.

11Umuungal tayo sa hirap na parang oso at dumadaing na parang mga kalapati. Hinihintay nating parusahan na ng Diyos ang ating mga kaaway at tayoʼy iligtas, ngunit hindi pa rin nangyayari.

12Sapagkat napakarami na ng ating mga kasalanan sa Diyos at iyan ang nagpapatunay na dapat tayong parusahan. At talaga namang alam natin na gumagawa tayo ng masama.

13Nagrebelde tayo at nagtaksil sa Panginoon. Itinakwil natin ang ating Diyos. Inaapi natin at sinisiil ang ating kapwa. Pinag-iisipan natin nang mabuti kung paano magsalita ng kasinungalingan.

14Iyan ang dahilan kung bakit hindi pa pinarurusahan ng Diyos ang ating mga kaaway at hindi pa niya tayo binibigyan ng tagumpay na may katuwiran. Sapagkat hindi na matagpuan ang katotohanan kahit saan, at ang mga tao ay hindi na mapagkakatiwalaan.

15Oo, nawala na ang katotohanan, at ang mga umiiwas sa kasamaan ay inuusig. Nakita ito ng Panginoon at nalulungkot siya dahil sa kawalan ng katarungan.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.