Isaias 59

Nagmamadali kayong gumawa ng masamá at mabilis ang kamay ninyong pumatay ng walang kasalanan. Palaging masamá ang iniisip ninyo, at kahit saan kayo pumunta ay wala kayong ginawa kundi kapahamakan at karahasan.

Isaiah 59:7 (UKJV) Their feet run to evil, and they make haste to shed innocent blood: their thoughts are thoughts of iniquity; wasting and destruction are in their paths.

5Ang masasamang plano nʼyo ay parang itlog ng makamandag na ahas; o kayaʼy bahay ng gagamba na ang sinumang kumain nito ay mamamatay.

6Katulad din ito ng bahay ng gagamba na hindi maaaring gawing damit kaya walang kabuluhan ang inyong masasamang plano. Masama ang ginagawa nʼyo at namiminsala kayo.

7Nagmamadali kayong gumawa ng masamá at mabilis ang kamay ninyong pumatay ng walang kasalanan. Palaging masamá ang iniisip ninyo, at kahit saan kayo pumunta ay wala kayong ginawa kundi kapahamakan at karahasan.

8Wala kayong alam tungkol sa mapayapang pamumuhay. Binabalewala ninyo ang katarungan at binabaluktot pa ninyo ito. Ang sinumang sumunod sa inyong mga ginagawa ay hindi rin makakaranas ng mapayapang pamumuhay.

9Kaya nga hindi pa pinarurusahan ng Diyos ang ating mga kaaway, at hindi pa natin natatamo ang tagumpay at katuwiran. Naghintay tayo ng liwanag ngunit dilim ang dumating, kaya lumalakad tayo sa kadiliman.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.