Isaias 59

Ang masasamang plano nʼyo ay parang itlog ng makamandag na ahas; o kayaʼy bahay ng gagamba na ang sinumang kumain nito ay mamamatay.

Isaiah 59:5 (UKJV) They hatch cockatrice' eggs, and weave the spider's web: he that eats of their eggs dies, and that which is crushed breaks out into a viper.

3Pumapatay kayo ng tao, at gumagawa pa ng ibang mga kasalanan. Nagsisinungaling kayo at nagsasalita ng masama.

4Wala sa isip ninyo ang katarungan; ang mga bintang ninyo sa inyong kapwa ay puro mga kasinungalingan. Ang inyong iniisip ay masama, at iyon ay inyong ginagawa.

5Ang masasamang plano nʼyo ay parang itlog ng makamandag na ahas; o kayaʼy bahay ng gagamba na ang sinumang kumain nito ay mamamatay.

6Katulad din ito ng bahay ng gagamba na hindi maaaring gawing damit kaya walang kabuluhan ang inyong masasamang plano. Masama ang ginagawa nʼyo at namiminsala kayo.

7Nagmamadali kayong gumawa ng masamá at mabilis ang kamay ninyong pumatay ng walang kasalanan. Palaging masamá ang iniisip ninyo, at kahit saan kayo pumunta ay wala kayong ginawa kundi kapahamakan at karahasan.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.