Isaias 6

Noong taon ng pagkamatay ni Haring Uzias, nakita ko ang Panginoon na nakaupo sa napakataas na trono. Ang mahabang damit niya ay nakatakip sa buong Templo.

Isaiah 6:1 (UKJV) In the year that king Uzziah died I saw also the LORD sitting upon a throne, high and lifted up, and his train filled the temple.

1Noong taon ng pagkamatay ni Haring Uzias, nakita ko ang Panginoon na nakaupo sa napakataas na trono. Ang mahabang damit niya ay nakatakip sa buong Templo.

2May mga makalangit na nilalang sa gawing ulo niya. Ang bawat isa sa kanila ay may anim na pakpak: Ang dalawang pakpak ay nakatakip sa kanilang mukha, ang dalawa ay nakatakip sa kanilang paa, at ang dalawa ay ginagamit nila sa paglipad.

3Sinasabi nila sa isaʼt isa: “Banal, Banal, Banal, ang Panginoon ng mga Hukbo! Ang kapangyarihan niyaʼy sumasakop sa buong mundo.”

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.