6Pagkatapos, lumipad ang isa sa mga makalangit na nilalang papunta sa akin, may dala siyang baga na kinuha niya sa altar.
7Idinampi niya ang baga sa aking bibig at sinabi, “Tingnan mo, dumampi na ito sa iyong bibig. Ang iyong pagkakasala ay naalis na at ikaʼy pinatawad na.”
8Pagkatapos, narinig ko ang tinig ng Panginoon na nagsasabi, “Sino ang isusugo ko? Sino ang hahayo para sa amin?” Sumagot ako, “Narito po ako! Ako ang isugo ninyo.”
9Sinabi niya, “Humayo ka at sabihin mo sa mga mamamayan ng Israel, ‘Marinig man ninyoʼy hindi rin ninyo mauunawaan. Makita man ninyoʼy hindi rin ninyo maiintindihan.’
10Patigasin mo ang puso ng mga taong ito. Hayaan mong hindi makarinig ang kanilang mga tainga at hindi makakita ang kanilang mga mata, sapagkat kung talagang nakakakita sila, nakakarinig, at nakakaunawa, magbabalik-loob sila sa akin, at silaʼy mapapagagaling.”