Isaias 6

Patigasin mo ang puso ng mga taong ito. Hayaan mong hindi makarinig ang kanilang mga tainga at hindi makakita ang kanilang mga mata, sapagkat kung talagang nakakakita sila, nakakarinig, at nakakaunawa, magbabalik-loob sila sa akin, at silaʼy mapapagagaling.”

Isaiah 6:10 (UKJV) Make the heart of this people fat, and make their ears heavy, and shut their eyes; lest they see with their eyes, and hear with their ears, and understand with their heart, and convert, and be healed.

8Pagkatapos, narinig ko ang tinig ng Panginoon na nagsasabi, “Sino ang isusugo ko? Sino ang hahayo para sa amin?” Sumagot ako, “Narito po ako! Ako ang isugo ninyo.”

9Sinabi niya, “Humayo ka at sabihin mo sa mga mamamayan ng Israel, ‘Marinig man ninyoʼy hindi rin ninyo mauunawaan. Makita man ninyoʼy hindi rin ninyo maiintindihan.’

10Patigasin mo ang puso ng mga taong ito. Hayaan mong hindi makarinig ang kanilang mga tainga at hindi makakita ang kanilang mga mata, sapagkat kung talagang nakakakita sila, nakakarinig, at nakakaunawa, magbabalik-loob sila sa akin, at silaʼy mapapagagaling.”

11Nagtanong ako, “Panginoon, gaano katagal?” Sumagot siya, “Hanggang sa mawasak ang mga lungsod ng Israel at wala nang manirahan dito. Hanggang sa wala nang tumira sa mga bahay at ang lupain ay maging tiwangwang at wasak.

12Hanggang sa itaboy ng Panginoon ang mga Israelita at ang kanilang lupain ay tuluyang mapabayaan na.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.