10Patigasin mo ang puso ng mga taong ito. Hayaan mong hindi makarinig ang kanilang mga tainga at hindi makakita ang kanilang mga mata, sapagkat kung talagang nakakakita sila, nakakarinig, at nakakaunawa, magbabalik-loob sila sa akin, at silaʼy mapapagagaling.”
11Nagtanong ako, “Panginoon, gaano katagal?” Sumagot siya, “Hanggang sa mawasak ang mga lungsod ng Israel at wala nang manirahan dito. Hanggang sa wala nang tumira sa mga bahay at ang lupain ay maging tiwangwang at wasak.
12Hanggang sa itaboy ng Panginoon ang mga Israelita at ang kanilang lupain ay tuluyang mapabayaan na.
13Kahit maiwan pa ang ikasampung bahagi ng mga Israelita sa lupain ng Israel, lilipulin pa rin sila. Ngunit may mga pinili akong matitira sa kanila. Ang katulad nilaʼy mga tuod ng pinutol na punong ensina.”