10“Itatayo ng mga dayuhan ang iyong mga pader, at ang kanilang mga hari ay maglilingkod sa iyo. Kahit na pinarurusahan kita dahil sa galit ko sa iyo, kaaawaan kita dahil akoʼy mabuti.
11Palaging magiging bukas ang iyong pintuan araw at gabi upang tumanggap ng mga kayamanan ng mga bansa. Nakaparada ang mga hari na papasok sa iyo.
12Sapagkat lubusang mawawasak ang mga bansa at kahariang hindi maglilingkod sa iyo.
13“Ang kaluwalhatian ng Lebanon ay mapapasaiyo, ang kanilang mga puno tulad ng pino, enebro at sipres ang magpapaganda sa aking santuwaryo; ang tuntungan ng aking mga paa ay mapaparangalan.
14Ang mga anak ng mga umapi sa iyo ay lalapit sa iyo at magbibigay galang. Luluhod sa paanan mo ang mga humamak sa iyo, at ikaw ay tatawagin nilang, ‘Lungsod ng Panginoon’ o ‘Zion, ang Lungsod ng Banal na Diyos ng Israel.’