Isaias 60

Ang mga anak ng mga umapi sa iyo ay lalapit sa iyo at magbibigay galang. Luluhod sa paanan mo ang mga humamak sa iyo, at ikaw ay tatawagin nilang, ‘Lungsod ng Panginoon’ o ‘Zion, ang Lungsod ng Banal na Diyos ng Israel.’

Isaiah 60:14 (UKJV) The sons also of them that afflicted you shall come bending unto you; and all they that despised you shall bow themselves down at the soles of your feet; and they shall call you; The city of the LORD, The Zion of the Holy One of Israel.

12Sapagkat lubusang mawawasak ang mga bansa at kahariang hindi maglilingkod sa iyo.

13“Ang kaluwalhatian ng Lebanon ay mapapasaiyo, ang kanilang mga puno tulad ng pino, enebro at sipres ang magpapaganda sa aking santuwaryo; ang tuntungan ng aking mga paa ay mapaparangalan.

14Ang mga anak ng mga umapi sa iyo ay lalapit sa iyo at magbibigay galang. Luluhod sa paanan mo ang mga humamak sa iyo, at ikaw ay tatawagin nilang, ‘Lungsod ng Panginoon’ o ‘Zion, ang Lungsod ng Banal na Diyos ng Israel.’

15“Kahit na ikaʼy itinakwil at inusig, at sayoʼy walang nagpahalaga, gagawin kitang dakila magpakailanman, ang kagalakan ng lahat ng salinlahi.

16Aalagaan ka ng mga bansa at ng kanilang mga hari katulad ng sanggol na pinapasuso ng kanyang ina. Sa ganoon, malalaman mo na ako ang Panginoon na iyong Tagapagligtas at ako ang iyong Tagapagpalaya, ang Diyos na Makapangyarihan ni Jacob.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.