Isaias 60

Papalitan ko ang mga kagamitan ng iyong Templo. Ang mga tanso ay papalitan ko ng ginto, ang mga bakal ay papalitan ko ng pilak, at ang mga bato ay papalitan ko ng bakal. Iiral sa iyo ang kapayapaan at katuwiran.

Isaiah 60:17 (UKJV) For brass I will bring gold, and for iron I will bring silver, and for wood brass, and for stones iron: I will also make your officers peace, and yours exactors righteousness.

15“Kahit na ikaʼy itinakwil at inusig, at sayoʼy walang nagpahalaga, gagawin kitang dakila magpakailanman, ang kagalakan ng lahat ng salinlahi.

16Aalagaan ka ng mga bansa at ng kanilang mga hari katulad ng sanggol na pinapasuso ng kanyang ina. Sa ganoon, malalaman mo na ako ang Panginoon na iyong Tagapagligtas at ako ang iyong Tagapagpalaya, ang Diyos na Makapangyarihan ni Jacob.

17Papalitan ko ang mga kagamitan ng iyong Templo. Ang mga tanso ay papalitan ko ng ginto, ang mga bakal ay papalitan ko ng pilak, at ang mga bato ay papalitan ko ng bakal. Iiral sa iyo ang kapayapaan at katuwiran.

18Wala nang mababalitaang pagmamalupit sa iyong lupain. Wala na ring kapahamakan na darating sa iyo. Palilibutan ka ng kaligtasan na parang pader, at magpupuri sa akin ang mga pumapasok sa iyong pintuan.

19“Hindi na ang araw ang magiging liwanag mo sa umaga at hindi na ang buwan ang tatanglaw sa iyo sa gabi, sapagkat ako, ang Panginoon, ang iyong magiging liwanag magpakailanman. Ako, na iyong Diyos, ang iyong tanglaw.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.