16Aalagaan ka ng mga bansa at ng kanilang mga hari katulad ng sanggol na pinapasuso ng kanyang ina. Sa ganoon, malalaman mo na ako ang Panginoon na iyong Tagapagligtas at ako ang iyong Tagapagpalaya, ang Diyos na Makapangyarihan ni Jacob.
17Papalitan ko ang mga kagamitan ng iyong Templo. Ang mga tanso ay papalitan ko ng ginto, ang mga bakal ay papalitan ko ng pilak, at ang mga bato ay papalitan ko ng bakal. Iiral sa iyo ang kapayapaan at katuwiran.
18Wala nang mababalitaang pagmamalupit sa iyong lupain. Wala na ring kapahamakan na darating sa iyo. Palilibutan ka ng kaligtasan na parang pader, at magpupuri sa akin ang mga pumapasok sa iyong pintuan.
19“Hindi na ang araw ang magiging liwanag mo sa umaga at hindi na ang buwan ang tatanglaw sa iyo sa gabi, sapagkat ako, ang Panginoon, ang iyong magiging liwanag magpakailanman. Ako, na iyong Diyos, ang iyong tanglaw.
20Ako ang iyong magiging araw at buwan na hindi na lulubog kahit kailan. Ang Panginoon ang magiging liwanag ninyo magpakailanman, at ang mga araw ng inyong pagdurusa ay magkakaroon ng katapusan.