Isaias 60

Ako ang iyong magiging araw at buwan na hindi na lulubog kahit kailan. Ang Panginoon ang magiging liwanag ninyo magpakailanman, at ang mga araw ng inyong pagdurusa ay magkakaroon ng katapusan.

Isaiah 60:20 (UKJV) Your sun shall no more go down; neither shall your moon withdraw itself: for the LORD shall be yours everlasting light, and the days of your mourning shall be ended.

18Wala nang mababalitaang pagmamalupit sa iyong lupain. Wala na ring kapahamakan na darating sa iyo. Palilibutan ka ng kaligtasan na parang pader, at magpupuri sa akin ang mga pumapasok sa iyong pintuan.

19“Hindi na ang araw ang magiging liwanag mo sa umaga at hindi na ang buwan ang tatanglaw sa iyo sa gabi, sapagkat ako, ang Panginoon, ang iyong magiging liwanag magpakailanman. Ako, na iyong Diyos, ang iyong tanglaw.

20Ako ang iyong magiging araw at buwan na hindi na lulubog kahit kailan. Ang Panginoon ang magiging liwanag ninyo magpakailanman, at ang mga araw ng inyong pagdurusa ay magkakaroon ng katapusan.

21Ang lahat mong mamamayan ay magiging matuwid, at sila na ang magmamay-ari ng lupain ng Israel magpakailanman. Ginawa ko silang parang halaman na itinanim ko para sa aking karangalan.

22Kakaunti sila, ngunit dadami sila. Silaʼy kapos-palad ngunit silaʼy magiging makapangyarihang bansa. Ako, ang Panginoon, ang gagawa nito pagdating ng takdang panahon.”

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.