Isaias 60

“Hindi na ang araw ang magiging liwanag mo sa umaga at hindi na ang buwan ang tatanglaw sa iyo sa gabi, sapagkat ako, ang Panginoon, ang iyong magiging liwanag magpakailanman. Ako, na iyong Diyos, ang iyong tanglaw.

Isaiah 60:19 (UKJV) The sun shall be no more your light by day; neither for brightness shall the moon give light unto you: but the LORD shall be unto you an everlasting light, and your God your glory.

17Papalitan ko ang mga kagamitan ng iyong Templo. Ang mga tanso ay papalitan ko ng ginto, ang mga bakal ay papalitan ko ng pilak, at ang mga bato ay papalitan ko ng bakal. Iiral sa iyo ang kapayapaan at katuwiran.

18Wala nang mababalitaang pagmamalupit sa iyong lupain. Wala na ring kapahamakan na darating sa iyo. Palilibutan ka ng kaligtasan na parang pader, at magpupuri sa akin ang mga pumapasok sa iyong pintuan.

19“Hindi na ang araw ang magiging liwanag mo sa umaga at hindi na ang buwan ang tatanglaw sa iyo sa gabi, sapagkat ako, ang Panginoon, ang iyong magiging liwanag magpakailanman. Ako, na iyong Diyos, ang iyong tanglaw.

20Ako ang iyong magiging araw at buwan na hindi na lulubog kahit kailan. Ang Panginoon ang magiging liwanag ninyo magpakailanman, at ang mga araw ng inyong pagdurusa ay magkakaroon ng katapusan.

21Ang lahat mong mamamayan ay magiging matuwid, at sila na ang magmamay-ari ng lupain ng Israel magpakailanman. Ginawa ko silang parang halaman na itinanim ko para sa aking karangalan.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.