Isaias 60

Lalapit sa iyong liwanag ang mga bansa at ang kanilang mga hari.

Isaiah 60:3 (UKJV) And the Gentiles shall come to your light, and kings to the brightness of your rising.

1“Bumangon ka, Jerusalem, at magliwanag katulad ng araw, sapagkat dumating na ang kaligtasan mo. Liliwanagan ka ng kaluwalhatian ng Panginoon.

2Mababalot ng matinding kadiliman ang mga bansa sa mundo, ngunit ikaw ay liliwanagan ng kaluwalhatian ng Panginoon.

3Lalapit sa iyong liwanag ang mga bansa at ang kanilang mga hari.

4“Tingnan mo ang iyong paligid, nagtitipon na ang iyong mga mamamayan sa malayo para umuwi. Para silang mga batang kinakarga.

5Kapag nakita mo na ito, matutuwa ka at mag-uumapaw ang iyong kagalakan, dahil ang kayamanan ng mga bansa ay dadalhin dito sa iyo.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.