Isaias 60

“Tingnan mo ang iyong paligid, nagtitipon na ang iyong mga mamamayan sa malayo para umuwi. Para silang mga batang kinakarga.

Isaiah 60:4 (UKJV) Lift up yours eyes round about, and see: all they gather themselves together, they come to you: your sons shall come from far, and your daughters shall be nursed at your side.

2Mababalot ng matinding kadiliman ang mga bansa sa mundo, ngunit ikaw ay liliwanagan ng kaluwalhatian ng Panginoon.

3Lalapit sa iyong liwanag ang mga bansa at ang kanilang mga hari.

4“Tingnan mo ang iyong paligid, nagtitipon na ang iyong mga mamamayan sa malayo para umuwi. Para silang mga batang kinakarga.

5Kapag nakita mo na ito, matutuwa ka at mag-uumapaw ang iyong kagalakan, dahil ang kayamanan ng mga bansa ay dadalhin dito sa iyo.

6Mapupuno ang iyong lupain ng mga kamelyo ng mga taga-Midian at ng mga taga-Efa. Darating sila sa iyo mula sa Sheba na may dalang mga ginto at mga insenso para sambahin ang Panginoon.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.