1“Bumangon ka, Jerusalem, at magliwanag katulad ng araw, sapagkat dumating na ang kaligtasan mo. Liliwanagan ka ng kaluwalhatian ng Panginoon.
2Mababalot ng matinding kadiliman ang mga bansa sa mundo, ngunit ikaw ay liliwanagan ng kaluwalhatian ng Panginoon.
3Lalapit sa iyong liwanag ang mga bansa at ang kanilang mga hari.
4“Tingnan mo ang iyong paligid, nagtitipon na ang iyong mga mamamayan sa malayo para umuwi. Para silang mga batang kinakarga.