Isaias 60

Ang mga barkong itoʼy pag-aari ng mga nakatira sa malalayong lugar, na umaasa sa Panginoon. Pangungunahan sila ng mga barko ng Tarsis para ihatid ang iyong mga mamamayan pauwi mula sa malalayong lugar. Magdadala sila ng mga ginto at pilak para sa Panginoon na iyong Diyos, ang Banal na Diyos ng Israel, dahil ikaw ay kanyang pinararangalan.”

Isaiah 60:9 (UKJV) Surely the isles shall wait for me, and the ships of Tarshish first, to bring your sons from far, their silver and their gold with them, unto the name of the LORD your God, and to the Holy One of Israel, because he has glorified you.

7Dadalhin ng mga taga-Kedar at mga taga-Nebayot ang kanilang mga tupa sa iyo, at ihahandog ito sa altar ng Panginoon upang siyaʼy malugod. At lalo pang pararangalan ng Panginoon ang kanyang Templo.

8“Maglalayag ang mga barko na parang mga ulap na lumilipad at parang mga kalapating papunta sa kanilang mga pugad.

9Ang mga barkong itoʼy pag-aari ng mga nakatira sa malalayong lugar, na umaasa sa Panginoon. Pangungunahan sila ng mga barko ng Tarsis para ihatid ang iyong mga mamamayan pauwi mula sa malalayong lugar. Magdadala sila ng mga ginto at pilak para sa Panginoon na iyong Diyos, ang Banal na Diyos ng Israel, dahil ikaw ay kanyang pinararangalan.”

10“Itatayo ng mga dayuhan ang iyong mga pader, at ang kanilang mga hari ay maglilingkod sa iyo. Kahit na pinarurusahan kita dahil sa galit ko sa iyo, kaaawaan kita dahil akoʼy mabuti.

11Palaging magiging bukas ang iyong pintuan araw at gabi upang tumanggap ng mga kayamanan ng mga bansa. Nakaparada ang mga hari na papasok sa iyo.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.