Isaias 60

Dadalhin ng mga taga-Kedar at mga taga-Nebayot ang kanilang mga tupa sa iyo, at ihahandog ito sa altar ng Panginoon upang siyaʼy malugod. At lalo pang pararangalan ng Panginoon ang kanyang Templo.

Isaiah 60:7 (UKJV) All the flocks of Kedar shall be gathered together unto you, the rams of Nebaioth shall minister unto you: they shall come up with acceptance on mine altar, and I will glorify the house of my glory.

5Kapag nakita mo na ito, matutuwa ka at mag-uumapaw ang iyong kagalakan, dahil ang kayamanan ng mga bansa ay dadalhin dito sa iyo.

6Mapupuno ang iyong lupain ng mga kamelyo ng mga taga-Midian at ng mga taga-Efa. Darating sila sa iyo mula sa Sheba na may dalang mga ginto at mga insenso para sambahin ang Panginoon.

7Dadalhin ng mga taga-Kedar at mga taga-Nebayot ang kanilang mga tupa sa iyo, at ihahandog ito sa altar ng Panginoon upang siyaʼy malugod. At lalo pang pararangalan ng Panginoon ang kanyang Templo.

8“Maglalayag ang mga barko na parang mga ulap na lumilipad at parang mga kalapating papunta sa kanilang mga pugad.

9Ang mga barkong itoʼy pag-aari ng mga nakatira sa malalayong lugar, na umaasa sa Panginoon. Pangungunahan sila ng mga barko ng Tarsis para ihatid ang iyong mga mamamayan pauwi mula sa malalayong lugar. Magdadala sila ng mga ginto at pilak para sa Panginoon na iyong Diyos, ang Banal na Diyos ng Israel, dahil ikaw ay kanyang pinararangalan.”

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.