9Ang lahi nilaʼy magiging tanyag sa mga bansa. Ang lahat ng makakakita sa kanila ay magsasabing silaʼy mga taong pinagpala ng Panginoon.”
10Nalulugod ako sa Panginoon kong Diyos, dahil para niya akong binihisan ng kaligtasan at tagumpay. Para akong lalaking ikakasal na may suot na katulad ng magarang damit ng pari, o babae sa kasal na may mga alahas.
11Sapagkat kung papaanong tiyak na sa lupa tumutubo ang mga binhi, ang tagumpay at katuwiran naman ay tiyak na manggagaling Makapangyarihang Panginoon, at pupurihin siya ng mga bansa.