3Sinugo rin niya ako para aliwin ang mga nalulungkot sa Zion, nang sa ganoon, sa halip na maglagay sila ng abo sa kanilang ulo bilang tanda ng pagdadalamhati, maglalagay sila ng langis o ng koronang bulaklak sa kanilang ulo bilang tanda ng kaligayahan. Silaʼy magiging parang matibay na puno na itinanim ng Panginoon. Kikilalanin silang mga taong matuwid sa ikakaluwalhati ng Panginoon.
4Muli nilang itatayo ang mga lugar na gumuho noong unang panahon, at aayusin ang mga lungsod na nawasak noon. Muli nilang bubuhayin ang mga ito, kahit na napakatagal na nitong gumuho.
5Mga mamamayan ng Diyos, maglilingkod sa inyo ang mga dayuhan. Aalagaan nila ang inyong mga hayop, at magtatrabaho sila sa inyong mga bukid at mga ubasan.
6Tatawagin kayong mga pari ng Panginoon, mga lingkod ng ating Diyos. Makikinabang kayo sa kayamanan ng mga bansa at magagalak kayo na ang mga itoʼy naging inyo.
7Sa halip na kahihiyan, magiging doble ang inyong matatanggap na pagpapala sa inyong lupain at talagang masisiyahan kayo sa matatanggap ninyo. Magiging maligaya kayo magpakailanman.