6Jerusalem, nagtalaga ako ng mga tagapagbantay sa iyong mga pader. Hindi sila titigil araw-gabi sa pagbibigay ng babala sa mga mamamayan mo. Kayong mga nananalangin sa Panginoon, huwag kayong titigil sa inyong pananalangin.
7Huwag ninyong titigilan ang Panginoon hanggang sa muli niyang itayo ang Jerusalem at gawin itong lugar na kapuri-puri sa buong mundo.
8Nangako ang Panginoon na gagawin niya ito sa pamamagitan ng kanyang kapangyarihan. Sinabi niya, “Hindi ko na ipapakain ang inyong mga trigo sa inyong mga dayuhang kaaway. Hindi na rin nila maiinom ang mga bagong alak na inyong pinaghirapan.
9Kayo mismong nag-aani ng trigo ang kakain nito, at pupurihin ninyo ang Panginoon. Kayo mismong namimitas ng ubas ang iinom ng katas nito doon sa aking Templo.”
10Lumabas kayo sa pintuan ng inyong lungsod, at ihanda ninyo ang daraanan ng iba pa ninyong mga kababayan. Linisin ninyo ang kanilang daraanan. Alisin ninyo ang mga bato, at magtaas kayo ng bandilang nagpapahiwatig sa mga tao na pinauuwi na ng Panginoon ang kanyang mga mamamayan.