Isaias 62

Lumabas kayo sa pintuan ng inyong lungsod, at ihanda ninyo ang daraanan ng iba pa ninyong mga kababayan. Linisin ninyo ang kanilang daraanan. Alisin ninyo ang mga bato, at magtaas kayo ng bandilang nagpapahiwatig sa mga tao na pinauuwi na ng Panginoon ang kanyang mga mamamayan.

Isaiah 62:10 (UKJV) Go through, go through the gates; prepare all of you the way of the people; cast up, cast up the highway; gather out the stones; lift up a standard for the people.

8Nangako ang Panginoon na gagawin niya ito sa pamamagitan ng kanyang kapangyarihan. Sinabi niya, “Hindi ko na ipapakain ang inyong mga trigo sa inyong mga dayuhang kaaway. Hindi na rin nila maiinom ang mga bagong alak na inyong pinaghirapan.

9Kayo mismong nag-aani ng trigo ang kakain nito, at pupurihin ninyo ang Panginoon. Kayo mismong namimitas ng ubas ang iinom ng katas nito doon sa aking Templo.”

10Lumabas kayo sa pintuan ng inyong lungsod, at ihanda ninyo ang daraanan ng iba pa ninyong mga kababayan. Linisin ninyo ang kanilang daraanan. Alisin ninyo ang mga bato, at magtaas kayo ng bandilang nagpapahiwatig sa mga tao na pinauuwi na ng Panginoon ang kanyang mga mamamayan.

11Makinig kayo! Ito ang mensahe ng Panginoon na ipinahayag niya hanggang sa dulo ng mundo: “Sabihin ninyo sa lahat ng taga-Zion na ang kanilang Tagapagligtas ay parating na, at may dalang gantimpala.”

12Tatawagin silang “Banal” at “Iniligtas ng Panginoon.” At ang Jerusalem naman ay tatawaging, “Lungsod na Pinananabikan” at “Lungsod na hindi na Pinabayaan.”

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.