Isaias 63

Binigyan tayo ng Espiritu ng Panginoon ng kapahingahan, katulad ng mga bakang pumupunta sa pastulan sa kapatagan.” Panginoon, pinatnubayan nʼyo po kami na inyong mga mamamayan upang kayoʼy aming maparangalan.

Isaiah 63:14 (UKJV) As a beast goes down into the valley, the Spirit of the LORD caused him to rest: so did you lead your people, to make yourself a glorious name.

12Nasaan na ang Panginoon na nagbigay ng kapangyarihan kay Moises, at naghati ng dagat sa ating harapan, upang siyaʼy maitanyag magpakailanman?

13Nasaan na siya na gumabay sa atin nang tumawid tayo sa dagat? Ni hindi tayo natisod katulad ng mga kabayong dumadaan sa malinis na lugar.

14Binigyan tayo ng Espiritu ng Panginoon ng kapahingahan, katulad ng mga bakang pumupunta sa pastulan sa kapatagan.” Panginoon, pinatnubayan nʼyo po kami na inyong mga mamamayan upang kayoʼy aming maparangalan.

15Masdan po ninyo kami mula sa langit, na siyang iyong banal at dakilang tahanan. Nasaan na ang inyong pagmamalasakit sa amin, at ang inyong kapangyarihang ipinakita noon sa amin? Nasaan na ang inyong pag-ibig at awa sa amin?

16Sapagkat kayo ang aming Ama, kahit na hindi kami kilalanin ni Abraham at ni Jacob na kanilang lahi. Totoo, Panginoon, kayo ang aming Ama, ang aming Tagapagligtas mula pa noon.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.