6“Lusubin natin ang Juda at sakupin. Pagkatapos, paghati-hatian natin ang kanyang lupain at gawing hari roon ang anak ni Tabeel.”
7Ngunit sinabi ng Makapangyarihang Panginoon, “Hindi ito mangyayari o magaganap.
8Sapagkat ang Damasco ay kabisera lamang ng Aram, at si Rezin ay sa Damasco lamang naghahari. Mawawasak ang Israel sa loob ng animnapuʼt limang taon, at hindi na ito matatawag na bansa.
9At ang Samaria ay kabisera lamang ng Israel, at si Peka na anak ni Remalias ay sa Samaria lamang naghahari. Kung hindi matatag ang pananalig nʼyo sa Diyos, tiyak na mapapahamak kayo.” ’ ”
10Muling nangusap ang Panginoon kay Ahaz,