4Ito ang sasabihin mo sa kanya, ‘Humanda ka! Pumanatag ka at huwag matakot. Huwag kang kabahan dahil sa tindi ng galit nina Haring Rezin ng Aram at Haring Peka na anak ni Remalias. Ang dalawang itoʼy parang mga tuod ng puno na umuusok ngunit walang apoy.
5Nagplano sila ng masama laban sa iyo. Nagkasundo sila at sinabi,
6“Lusubin natin ang Juda at sakupin. Pagkatapos, paghati-hatian natin ang kanyang lupain at gawing hari roon ang anak ni Tabeel.”
7Ngunit sinabi ng Makapangyarihang Panginoon, “Hindi ito mangyayari o magaganap.
8Sapagkat ang Damasco ay kabisera lamang ng Aram, at si Rezin ay sa Damasco lamang naghahari. Mawawasak ang Israel sa loob ng animnapuʼt limang taon, at hindi na ito matatawag na bansa.