Isaias 8

Sinabi ng Panginoon sa akin, “Kumuha ka ng isang malapad na tablang sulatan, at isulat mo ang mga katagang ito gamit ang ordinaryong panulat: ‘Maher-salal-has-baz.’ ”

Isaiah 8:1 (UKJV) Moreover the LORD said unto me, Take you a great roll, and write in it with a man's pen concerning Mahershalalhashbaz.

1Sinabi ng Panginoon sa akin, “Kumuha ka ng isang malapad na tablang sulatan, at isulat mo ang mga katagang ito gamit ang ordinaryong panulat: ‘Maher-salal-has-baz.’ ”

2Kumuha ako ng dalawang mapagkakatiwalaang saksi na magpapatunay na isinulat ko nga ito. Sila ay sina Urias na pari, at Zacarias na anak ni Jeberequias.

3Pagkatapos, sumiping ako sa aking asawa. Hindi nagtagal, naglihi siya at nanganak ng lalaki. Sinabi ng Panginoon sa akin, “Pangalanan mo siyang Maher-salal-has-baz.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.