Isaias 8

Kumuha ako ng dalawang mapagkakatiwalaang saksi na magpapatunay na isinulat ko nga ito. Sila ay sina Urias na pari, at Zacarias na anak ni Jeberequias.

Isaiah 8:2 (UKJV) And I took unto me faithful witnesses to record, Uriah the priest, and Zechariah the son of Jeberechiah.

1Sinabi ng Panginoon sa akin, “Kumuha ka ng isang malapad na tablang sulatan, at isulat mo ang mga katagang ito gamit ang ordinaryong panulat: ‘Maher-salal-has-baz.’ ”

2Kumuha ako ng dalawang mapagkakatiwalaang saksi na magpapatunay na isinulat ko nga ito. Sila ay sina Urias na pari, at Zacarias na anak ni Jeberequias.

3Pagkatapos, sumiping ako sa aking asawa. Hindi nagtagal, naglihi siya at nanganak ng lalaki. Sinabi ng Panginoon sa akin, “Pangalanan mo siyang Maher-salal-has-baz.

4Bago matutong magsalita ang bata ng ‘Tatay’ o ‘Nanay,’ ang kayamanan ng Damasco at ang mga sinamsam ng Samaria ay kukunin ng hari ng Asiria.”

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.