Isaias 9

Sapagkat ang kasamaan nila ay tulad ng apoy na tumutupok ng mga halamang may tinik. Naglalagablab itong tulad ng apoy na tumutupok ng mga kahoy, at ang makapal na usok ay pumapailanlang.

Isaiah 9:18 (UKJV) For wickedness burns as the fire: it shall devour the briers and thorns, and shall kindle in the thickets of the forest, and they shall mount up like the lifting up of smoke.

16Ang mga namumuno sa mga taong ito ang nagliligaw sa kanila, kaya ang mga sumusunod ay naliligaw ng daan.

17Dahil dito, hindi nalulugod ang Panginoon sa mga kabataan nilang lalaki, at hindi niya kinakaawaan ang kanilang mga ulilaʼt mga biyuda. Sapagkat masama ang lahat at hindi makadiyos; nakakahiya ang lahat ng sinasabi nila. Kaya hindi pa rin humuhupa ang poot ng Panginoon, at nakahanda pa siyang magparusa sa kanila.

18Sapagkat ang kasamaan nila ay tulad ng apoy na tumutupok ng mga halamang may tinik. Naglalagablab itong tulad ng apoy na tumutupok ng mga kahoy, at ang makapal na usok ay pumapailanlang.

19Dahil sa galit ng Panginoon ng mga Hukbo, masusunog ang buong lupain, at magiging panggatong sa apoy ang mga tao. Hindi nila kahahabagan kahit ang sarili nilang kababayan.

20Anumang pagkain ang makita nila ay kukunin nila at kakainin, ngunit hindi pa rin sila mabubusog. Kaya pati ang kanilang mga anak ay kanilang kakainin.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.