Isaias 9

Dahil sa galit ng Panginoon ng mga Hukbo, masusunog ang buong lupain, at magiging panggatong sa apoy ang mga tao. Hindi nila kahahabagan kahit ang sarili nilang kababayan.

Isaiah 9:19 (UKJV) Through the wrath of the LORD of hosts is the land darkened, and the people shall be as the fuel of the fire: no man shall spare his brother.

17Dahil dito, hindi nalulugod ang Panginoon sa mga kabataan nilang lalaki, at hindi niya kinakaawaan ang kanilang mga ulilaʼt mga biyuda. Sapagkat masama ang lahat at hindi makadiyos; nakakahiya ang lahat ng sinasabi nila. Kaya hindi pa rin humuhupa ang poot ng Panginoon, at nakahanda pa siyang magparusa sa kanila.

18Sapagkat ang kasamaan nila ay tulad ng apoy na tumutupok ng mga halamang may tinik. Naglalagablab itong tulad ng apoy na tumutupok ng mga kahoy, at ang makapal na usok ay pumapailanlang.

19Dahil sa galit ng Panginoon ng mga Hukbo, masusunog ang buong lupain, at magiging panggatong sa apoy ang mga tao. Hindi nila kahahabagan kahit ang sarili nilang kababayan.

20Anumang pagkain ang makita nila ay kukunin nila at kakainin, ngunit hindi pa rin sila mabubusog. Kaya pati ang kanilang mga anak ay kanilang kakainin.

21Mag-aaway ang mga taga-Manases at ang mga taga-Efraim, at lulusubin nilang dalawa ang Juda. Subalit ang poot ng Panginoon ay hindi pa rin humuhupa at nakahanda pa siyang magparusa sa kanila.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.