19Dahil sa galit ng Panginoon ng mga Hukbo, masusunog ang buong lupain, at magiging panggatong sa apoy ang mga tao. Hindi nila kahahabagan kahit ang sarili nilang kababayan.
20Anumang pagkain ang makita nila ay kukunin nila at kakainin, ngunit hindi pa rin sila mabubusog. Kaya pati ang kanilang mga anak ay kanilang kakainin.
21Mag-aaway ang mga taga-Manases at ang mga taga-Efraim, at lulusubin nilang dalawa ang Juda. Subalit ang poot ng Panginoon ay hindi pa rin humuhupa at nakahanda pa siyang magparusa sa kanila.