15Ang ulo ay ang mga pinuno at ang mga iginagalang na tao, at ang buntot ay ang mga sinungaling na propeta.
16Ang mga namumuno sa mga taong ito ang nagliligaw sa kanila, kaya ang mga sumusunod ay naliligaw ng daan.
17Dahil dito, hindi nalulugod ang Panginoon sa mga kabataan nilang lalaki, at hindi niya kinakaawaan ang kanilang mga ulilaʼt mga biyuda. Sapagkat masama ang lahat at hindi makadiyos; nakakahiya ang lahat ng sinasabi nila. Kaya hindi pa rin humuhupa ang poot ng Panginoon, at nakahanda pa siyang magparusa sa kanila.
18Sapagkat ang kasamaan nila ay tulad ng apoy na tumutupok ng mga halamang may tinik. Naglalagablab itong tulad ng apoy na tumutupok ng mga kahoy, at ang makapal na usok ay pumapailanlang.
19Dahil sa galit ng Panginoon ng mga Hukbo, masusunog ang buong lupain, at magiging panggatong sa apoy ang mga tao. Hindi nila kahahabagan kahit ang sarili nilang kababayan.