Isaias 2

Ang kanilang lupain ay napakasagana sa pilak at ginto, at hindi nauubos ang kanilang kayamanan. Napakaraming kabayo sa kanilang lupain, at hindi mabilang ang mga karwahe nila.

Isaiah 2:7 (UKJV) Their land also is full of silver and gold, neither is there any end of their treasures; their land is also full of horses, neither is there any end of their chariots:

5Halikayo, mga lahi ni Jacob, mamuhay tayo sa katotohanan, na ibinigay sa atin ng Panginoon.

6Totoong itinakwil nʼyo, Panginoon, ang mga mamamayan ninyo, ang lahi ni Jacob, dahil naniniwala kayo sa mga pamahiing mula sa silangan at sa mga manghuhula, gaya ng mga Filisteo. Sinusunod ninyo ang pag-uugali ng mga dayuhan.

7Ang kanilang lupain ay napakasagana sa pilak at ginto, at hindi nauubos ang kanilang kayamanan. Napakaraming kabayo sa kanilang lupain, at hindi mabilang ang mga karwahe nila.

8Marami silang diyos-diyosan, at sinasamba nila ang mga bagay na ito na sila mismo ang gumawa.

9Kaya ang bawat isa sa kanilaʼy ibabagsak, lahat silaʼy mapapahiya. Huwag nʼyo silang patatawarin.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.