Isaias 23

Ang Tiro ay makakalimutan sa loob ng pitumpung taon, kasintagal ng buhay ng isang hari. Ngunit pagkatapos ng panahong iyon, matutulad siya sa isang babaeng bayaran sa awiting ito:

Isaiah 23:15 (UKJV) And it shall come to pass in that day, that Tyre shall be forgotten seventy years, according to the days of one king: after the end of seventy years shall Tyre sing as an harlot.

13Tingnan ninyo ang lupain ng mga taga-Babilonia, nasaan na ang mga mamamayan nito? Sinalakay ito ng Asiria at hinayaang naging tirahan ng maiilap na hayop. Itinayo nila ang toreng panglusob, giniba nila ang kanyang mga palasyo at iniwan itong wasak.

14Manangis kayong mga barko ng Tarsis dahil nawasak na ang kanlungang pinupuntahan ninyo!

15Ang Tiro ay makakalimutan sa loob ng pitumpung taon, kasintagal ng buhay ng isang hari. Ngunit pagkatapos ng panahong iyon, matutulad siya sa isang babaeng bayaran sa awiting ito:

16“Kaya kunin mo ang iyong alpa at libutin mo ang buong lungsod, babaeng bayarang kinalimutan na. Tugtugin mo ang alpa nang mahusay at umawit ka ng maraming awit upang ikaw ay maalala.”

17Pagkatapos ng pitumpung taon, aalalahanin ng Panginoon ang Tiro. Ngunit muling gagawin ng Tiro ang ginawa niya noon, na katulad ng ginawa ng babaeng bayaran. Gagawa siya ng masama sa lahat ng kaharian ng mundo.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.