Isaias 23

Pagkatapos ng pitumpung taon, aalalahanin ng Panginoon ang Tiro. Ngunit muling gagawin ng Tiro ang ginawa niya noon, na katulad ng ginawa ng babaeng bayaran. Gagawa siya ng masama sa lahat ng kaharian ng mundo.

Isaiah 23:17 (UKJV) And it shall come to pass after the end of seventy years, that the LORD will visit Tyre, and she shall turn to her hire, and shall commit fornication with all the kingdoms of the world upon the face of the earth.

15Ang Tiro ay makakalimutan sa loob ng pitumpung taon, kasintagal ng buhay ng isang hari. Ngunit pagkatapos ng panahong iyon, matutulad siya sa isang babaeng bayaran sa awiting ito:

16“Kaya kunin mo ang iyong alpa at libutin mo ang buong lungsod, babaeng bayarang kinalimutan na. Tugtugin mo ang alpa nang mahusay at umawit ka ng maraming awit upang ikaw ay maalala.”

17Pagkatapos ng pitumpung taon, aalalahanin ng Panginoon ang Tiro. Ngunit muling gagawin ng Tiro ang ginawa niya noon, na katulad ng ginawa ng babaeng bayaran. Gagawa siya ng masama sa lahat ng kaharian ng mundo.

18Ngunit sa bandang huli, ang kikitain niyaʼy hindi niya itatabi. Ihahandog niya ito sa Panginoon para ipambili ng maraming pagkain at magagandang klase ng damit para sa mga naglilingkod sa Panginoon.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.