Isaias 26

Panginoon, sinunod namin ang inyong mga utos, at nagtiwala kami sa inyo. Hangad naming kayo ay aming maparangalan.

Isaiah 26:8 (UKJV) Yea, in the way of your judgments, O LORD, have we waited for you; the desire of our soul is to your name, and to the remembrance of you.

6At itoʼy tinatapak-tapakan ng mga dukha na kanilang inapi.

7Patag ang daan ng taong matuwid, at kayo, Panginoong matuwid, ang nagpatag nito.

8Panginoon, sinunod namin ang inyong mga utos, at nagtiwala kami sa inyo. Hangad naming kayo ay aming maparangalan.

9Buong puso kitang hinahanap-hanap sa tuwing gabi at pati sa umaga. Kung hahatulan nʼyo ang mga tao sa mundo, matututo silang mamuhay nang matuwid.

10Kahit kinaaawaan nʼyo ang masasamâ, hindi pa rin sila natututong mamuhay nang matuwid. Kahit na naninirahan silang kasama ng mga matuwid, patuloy pa rin sila sa kanilang gawaing masama, at hindi nila kinikilala ang inyong kadakilaan.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.