Isaias 29

Sapagkat para kayong pinatulog ng Panginoon nang mahimbing. Ipinikit niya ang mata ng inyong mga propeta; tinakpan niya ang ulo ng inyong mga manghuhula.

Isaiah 29:10 (UKJV) For the LORD has poured out upon you the spirit of deep sleep, and has closed your eyes: the prophets and your rulers, the seers has he covered.

8Katulad sila ng taong nanaginip na kumakain, ngunit nang magising ay gutom pa rin; katulad ng taong nanaginip na umiinom, ngunit nang magising ay uhaw pa rin. Ganoon ang sasapitin ng lahat ng mga bansang kumakalaban sa Zion.

9Magugulat kayo at mamamangha, magpakabulag at tuluyang hindi makakita. Malalasing kayo, ngunit hindi dahil sa ubas, at magsusuray-suray, ngunit hindi dahil sa alak.

10Sapagkat para kayong pinatulog ng Panginoon nang mahimbing. Ipinikit niya ang mata ng inyong mga propeta; tinakpan niya ang ulo ng inyong mga manghuhula.

11Para sa inyo, ang buong pangitaing ito ay parang mga salita ng isang kasulatang natatakan. Kapag ibinigay mo ito sa marunong bumasa para basahin, sasabihin niya, “Hindi ko iyan mabasa dahil iyan ay natatakan.”

12At kapag ibinigay mo naman ito sa hindi marunong bumasa, sasabihin niya, “Hindi ako marunong bumasa.”

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.